CEBU – Tatlong kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P20.7 milyon ang nasabat sa joint covert operation sa Mandaue City nitong Sabado ng hatinggabi, Enero 6.
Inaresto ang suspek na si Marichu Oyon-Oyon Añura sa isang residential village sa Barangay Casuntingan matapos magsagawa ng buy-bust ang mga operatiba ng Mandaue City Police, Regional Drugs Enforcement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency.
Sinabi ni Col. Maribel Getingan, hepe ng Mandaue Police, bago ang buy-bust, nagsagawa ang mga pulis ng patagong operasyon sa suspek, na inuri bilang high-value target sa regional level.
Ang mga iligal na droga na nakuha kay Añura ay nakalaan sana para ipakalat sa mga pangunahing lungsod ng Mandaue, Lapu-Lapu, Cebu, at iba pang bahagi ng lalawigan ng Cebu.
Sinabi ni Brig. Gen. Anthony Aberin, hepe ng Police Regional Office-7, ang pag-aresto kay Añura ay mahalaga sa diskarte sa pagbabawas ng suplay ng droga ng Philippine National Police (PNP) sa rehiyon.
“Ito ang kauna-unahang major anti-drug accomplishment para sa 2024 at ito ang magtatakda ng template para sa antas ng pagiging agresibo sa ating diskarte sa pagsugpo sa ilegal na droga sa Central Visayas, tungo sa pagsasakatuparan ng BIDA Program ni (Interior and Local Government) Secretary Benjamin Abalos Jr. at (ang PNP) 5-focused agenda,” aniya sa isang press statement. Santi Celario