Home NATIONWIDE Posibleng parusa vs NGCP sa Panay brownout pinag-aaralan na ng gobyerno

Posibleng parusa vs NGCP sa Panay brownout pinag-aaralan na ng gobyerno

MANILA, Philippines – PINAG-AARALANG mabuti ng gobyerno ang posibleng paglabag ng privately-owned National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), at maging ng operators ng ilang power plants, sa nangyaring hindi planadong shutdown ng power generators na malinaw na dahilan ng brownout sa Panay Island.

Sinabi ni Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperson Monalisa Dimalanta na ang imbestigasyon sa pinakabagong brownout ay maaaring makompleto ng anim hanggang walong linggo.

Paliwanag ni Dimalanta, kapareho ang tagal ng panahon na iginugol sa pag-iimbestiga sa power interruptions na tumama sa Western Visayas noong Abril 2023.

Nauna rito, idinepensa ng NGCP ang sarili nito, sabay sabing hindi nila kasalanan ang nangyaring brownout at mandato nito ang magbigay ng transmission services at hindi ang makialam sa power generation.

Gayunman, sinabi ni Dimalanta na ang transmission service provider ay may mandato rin na hawakan ang system operations.

“Ang ibig sabihin po nito, nasa prangkisa mismo nila at nasa EPIRA (Electric Power Industry Reform Act) na ang trabaho po ng system operator ay paniguruhin ang safe and reliable operation of the grid,” ayon pa rin kay Dimalanta.

“Even if the NGCP is being primarily blamed for the outage by authorities, includingPresident Ferdinand Marcos Jr.the power plants are not off the hook,” aniya pa rin.

“Hindi rin natin basta ine-excuse na, for example, ‘yung mga planta,” ang sinabi ni Dimalanta.

“Meron po ba doon na hindi nag-maintain ng standards? For example, meron po ba doon bumitaw nang mas maaga sa nire-require under the grid code na bumitaw siya?’ ang tinuran ni Dimalanta sabay sabing “Pag po ganun, may penalty din po siya.”

Ayon sa Interim Grid Management Committee, ang kaparehong technical group na humawak sa imbestigasyon noong nakaraang taon, ang nangunguna sa imbestigasyon.

Pagtugon sa mga kritisismo, sinabi ng NGCP na hindi alam ng mga public officials ang buong situwasyon.

“Kami ay naniniwala kung maihain sa pangulo ang buong storya, ay siguro mauunawaan niya na hindi simple yung sitwasyon,” ang sinabi ni NGCP spoksperson Cynthia Alabanza” sabay sabing “Kasi ang NGCP ay kumikilos kami ayon sa datos.”

“So the system as far as transmission was concerned, was normal and walang glitch sa transmission [nung January 2]. So hindi namin alam kung bakit nag-trip yung planta,’ aniya pa rin.

Samantala, inanunsyo ng NGCP na naibalik na ang power supply sa Panay at Guimaras Islands at ang transmission operations ay balik-normal na rin. Kris Jose

Previous articleBigtime tulak swak sa kulungan sa P20.7M droga
Next articleAlyansa ng Pinas at US, ‘stronger than ever’- Amb. Carlson