Manila, Philippines – Hindi pa nari-release ang MRI (magnetic resonance imaging) result ni Sharon Cuneta to determine the cause ng iniinda niyang pinched nerve sa kanyang lower back.
Lumipat daw ito sa right side ng kanyang body.
Sa unang MRI she underwent, lumabas na may torn ligament siya sa tuhod.
Ininda niya ito pagkagaling ng kanyang pamilya from their trip in Seoul, South Korea.
Sumailalim ang Megastar sa nasabing procedure sa St. Luke’s Medical Center.
Pero more than the medical aspect, ang ipinost ni Sharon ay ang pag-uusap nila ng attending nurse.
Dito na-bash ang singer-actress.
Hiningi kasi ng nurse named Len ang kanyang pangalan.
Sa halip na sabihin niyang “Sharon Cuneta” ay “Julia Roberts” ang ibinigay niyang pangalan.
Obyus namang nagbibiro o nagpapatawa si Sharon but her joke was not taken well by a couple of netizens.
May kasama pang lecture ang pambabash sa kanya.
Dapat daw ay alam ni Sharon ang sinusunod na protocol sa mga ospital.
Regardless daw kung sino ang pasyente–ke artista, Presidente o sikat–SOP na ‘yung ibigay nito ang kanyang tunay na pangalan.
“She has to state her name!” ayon sa isang nerizen.
Hindi raw dapat binibiro ni Sharon ang mga medical staff tulad ni Nurse Len.
“It’s an egoistic joke!” ayon pa sa isang netizen.
Kung tutuusin, valid naman ang argument ng netizens sa kanilang take on Sharon’s act.
Pero huwag namang sabihin ng mga ito na hindi aware si Sharon sa umiiral na protocol which is to be strictly observed ny the patient.
Can’t the netizen take a joke as it is?
Kailangan, serious talaga?
For all the netizens know, tiyak na na-starstruck pa ang hospital personnel upon seeing Sharon right before their eyes.
Malay ba ng mga bashers na ‘yon that it was Sharon’s way of getting rid of her scare?
Masama ba if that was what she thought of to lighten her mood?
Alam naman nating lahat what it feels like to be at a hospital no matter how high-end it is.
Seryosohin ba ang “Julia Roberts” joke?
Hindi kaya ika-flatter pa ito mismo ng bida sa Pretty Woman?