Home ENTERTAINMENT Maine, sinabing ‘coming soon’ na ang baby!

Maine, sinabing ‘coming soon’ na ang baby!

236
0

Manila, Philippines – Si Maine Mendoza ang star of the show sa nakaraang episode ng Eat Bulaga.

Nitong Sabado itinaon ang pagdiriwang ng kanyang 28th birthday.

Pero March 3 talaga ang kaarawan ni Maine.

As usual, bumuhos ng pagbati ang okasyong ‘yon mula sa mga taong nagmamahal sa TV host-actress.

Mula sa side ng asawang si Quezon City Representative Arjo Atayde ay nanguna ang kanyang biyenan at kapwa aktres na si Sylvia Sanchez.

Namumutiktik ng pasasalamat ang greeting ni Sylvia kay Maine.

Dahil daw sa pagmamahal at pag-aalaga ni Maine kay Arjo ay mababakas ang sobrang kaligayahan nito.

Halata raw ‘yon sa mga ikinikilos at ngiti ni Arjo.

Nabigla naman si Maine sa “pambubuska” ng asawa ni Sylvia at father-in-law niyang si Art.

Alam daw ni Art na hindi makakaganti ang kanyang manugang “kaya inisahan na kita!” Biro ni Art: “Tumatanda ka na, Maine. So, where’s the baby? Panay kasi ang shopping, ano?”

Bumati rin ang hipag ni Maine, ang engaged nang si Ria sa nobyong si Zanjoe Marudo.

Thankful si Ria dahil na-extend daw sa kanila ang pagmamahal ni Maine kay Arjo.

Siyempre, saving the best for last ang birthday VTR as Arjo was the finalè among Maine’s well-wishers.

Ipinasagot naman ni Bossing Vic Sotto kay Maine ang tanong ng biyenan nito na: “Where’s the baby?”

“Coming soon!” tanging sagot ni Maine regarding her highly anticipated pregnancy. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here