Home METRO 2 tiklo sa tsongki sa Muntinlupa

2 tiklo sa tsongki sa Muntinlupa

154
0

MANILA, Philippines – Arestado ang isang 19-anyos na indibidwal kabilang ang isang menor de edad sa ikinasang buy-bust operation ng Muntinlupa City police nitong Biyernes, Abril 5.

Kinilala ng Muntinlupa City police ang dalawang nadakip na suspects na isang alyas Dags, 19 at isang 17-anyos na menor de edad.

Base sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), naganap ang pagdakip sa mga suspects sa ikinasang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Muntinlupa City police dakong alas 3:17 ng madaling araw sa PNR Site, Laguerta, Barangay Tunasan.

Sa isinagawang operasyon ay nakarekober ang mga operatiba sa posesyon ng mga suspects ng 500 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P60,000.

Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Muntinlupa City police si alyas Dags habang naiturnover naman sa pangangalaga ng Bahay Pag-asa ang 17-taong-gulang na menor de edad. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here