Home NATIONWIDE Tunneling works ng Davao City Bypass Project, 80% complete na – DPWH

Tunneling works ng Davao City Bypass Project, 80% complete na – DPWH

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong Sabado, Abril 6 na malapit nang makumpleto ang tunneling works para sa
Davao City Bypass Construction Project.

Sa pahayag, sinabi ng DPWH na minamadali na nila ang pagkumpleto sa kauna-unahang long-distance mountain tunnel sa bansa.

Sinabi ng ahensya na nakumpleto na ang 80% ng tunnel excavation activities para sa proyekto sa Unified Project Management Office – Roads Management Cluster I (UPMO-RMC I) kasama ang joint venture contractor, Shimizu-Ulticon-Takenaka, at nagpapatuloy naman sa concrete lining at waterproofing ng north at south portals.

Ang 2.3 kilometrong twin mountain tunnel ay major component ng 10.7-kilometer Contract Package I-1 ng bypass project.

May kabuuang haba na 45.5 kilometro ang bypass project na hinati sa anim na packages, ang Package I-1 (10.7 kilometers), Package I-2 (12.8 kilometers), Package I-3 (6.1 kilometers), Package II-1 (2.7 kilometers), Package II-2 (3.5 kilometers), at Package II-3 (9.7 kilometers).

Ayon sa DPWH, ang Contract Package I-1 ay may total estimated cost na P13.23 billion na popondohan sa loan agreement sa pagitan ng pamahalaan at Japan International Cooperation Agency (JICA).

Ito ay isa sa subdivided three contract packages sa ilalim ng Package I na target makumpleto sa unang quarter ng 2025.

Samantala, ang Contract Package I-3 ay magco-complement sa Contract Package I-1 para sa konstruksyo ng 5.6-kilometer four-lane road na may isang tulay, dalawang cut and cover tunnels, 12 culverts, at isang overpass. Nagsimula ang civil works nito noong Disyembre 2023.

Sa kabilang banda, ang Contract Package I-2, ay may contract agreement na para sa civil works, matapos na maisyu ang Letter of Acceptance and Notice of Award noong Nobyembre 2023.

Ang kabuuan ng Davao City Bypass Project ay may tinatayang P46.80 bilyon na halaga. RNT/JGC