LEBANON – Nagbabala ang Philippine Embassy sa Lebanon sa mga Filipino na naninirahan sa naturang bansa na maging mapagmatyag kasunod ng pinakahuling airstrike sa Iranian consulate sa Damascus, Syria.
Ang Syria ay kalapit lamang ng bansang Lebanon.
Sa post sa X, nagbabala ang Philippine Embassy na, “The situation in the region may be volatile, and it is crucial to stay informed and cautious at all times.”
Binomba ng hinihinalang Israeli warplanes ang Iran embassy sa Damascus nitong Lunes na kumitil sa buhay ng isang Iranian military commander.
Ayon sa Iran, may karapatan ito “to take a decisive response” dahil sa pag-atake.
Inabisuhan ng Philippine embassy ang mga Filipino na makibalita palagi sa mga kaganapan sa Lebanon at kalapit na lugar mula sa mga pinagkakatiwalaang source.
Pinayuhan din ang mga ito na “adhere to any directives or advisories issued by the local authorities. They are in place to ensure your safety and well-being. If there are any specific instructions or protocols you need to follow, please comply with them as soon as possible.”
Samantala, iniulat ng Philippine Embassy sa Damascus na napauwi na nila sa bansa ang tatlong distressed overseas Filipino workers mula Syria noong Abril 4.
“Damascus PE (Philippine embassy) team coordinated with concerned authorities to facilitate the OFWs’ immediate return to the Philippines following their clearance of all court cases and immigration liabilities,” sinabi ng embahada.
Sa kasalukuyang sitwasyon sa Syira, sinabi ng embahada na ang tatlong OFW ay lumipad mula sa Rafic Al Hariri International Airport sa Beirut “to ensure their safe and seamless journey home.” RNT/JGC