Home METRO Amerikanong pugante tiklo sa BI

Amerikanong pugante tiklo sa BI

115
0

MANILA, Philippines- Inaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang American national na wanted sa kanyang sariling bansa dahil sa panggagantso, sa isinagawang operasyon sa Cebu city

Kinilala ang pugante na si Paul David Cardwell, 57, na nagtangkang palawigin ang kanyang temporary visitors’ visa gamit ang online services ng BI noong Marso 27.

Sinabi ni BI tourist visa section chief Raymond Remigio na ang mga rekord ni Cardwell ay mitsa upang isagawa ang pangalawang pagsusuri matapos madiskubre ng sistema na ang nasabing dayuhan ay isang nahatulang US felon.

Nabatid na ang nasabing dayuhan ay puganteng wanted dahil sa panloloko ng humigit-kumulang $850,000 o mahigit P48 milyon mula sa isang ospital sa Wyoming, USA.

Isang manhunt ang isinagawa at natagpuan ang nabanggit na dayuhan ng intelligence operatives sa Cebu noong Abril 3, habang nagtatanong tungkol sa mga pamamaraan para sa pag-apply para sa permanent residence visa.

Nauna nang naging headline ang Amerikanong lalaki dahil sa nasabing kaso matapos siyang utusan na magsilbi ng higit sa 10 taon sa bilangguan.

Batay sa rekord, muling inaresto ang dayuhan sa Bangkok dahil sa pagtakas sa kanyang kasong panloloko.

Ikinatuwa naman ni BI Commissioner Norman Tansingco ang pag-aresto sa dayuhan, at sinabing hindi makatatakas ang illegal aliens sa batas.

Mananatili si Cardwell sa pasilidad ng BI bago i-deport sa USA. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here