Home NATIONWIDE ‘Palit-ulo’ scheme sa mga ospital pinatatalupan sa Kamara

‘Palit-ulo’ scheme sa mga ospital pinatatalupan sa Kamara

MANILA, Philippines- Isang House Resolution ang inihain ni Agri Partylist Rep. Wilbert Lee upang maimbestigahan ng Kamara ang illegal practice na isinasagawa umano ng isang ospital kung saan hino-hostage sa ospital ang isang kaanak kapag may namatay na indibidwal na hindi makapagbayad ng hospital bill.

Sa HR 1674 ni Lee, partikular nitong tinukoy ang ACE (Allied Care Experts) Medical Center na  nagsasagawa umano ng palit-ulo scheme.

“Allegedly this hospital held in detention the relatives of deceased patients and refused to release their death certificates, unless they were replaced by another person or until their hospital dues were settled,” paliwanag ni Lee.

Sinabi ni Lee na isa sa naging biktima ng ganitong illegal practice  si Richel Mae Alvaro na hindi pinaalis ng ospital hanggang hindi nakakabayad ng bill ng kanyang asawa.

Bagama’t nailabas ang bangkay ay nanatili sa illegal detention si Richel.

Ayon kay Lee, mahaharap sa kasong Serious Illegal Detention at Slight Illegal Detention ang ACE dahil sa palit-ulo scheme.

“Acquiring unsettled hospital bills is not a criminal offense under our laws, and the same is also not an ailment requiring compulsory confinement of the patient in a hospital. Kaya tigilan na itong kawalanghiyaan, karumal-dumal, at ilegal na gawaing ito!” giit ni Lee.

Umaasa ang mambabatas na kikilos ang Kamara ukol sa ganitong insidente na maaaring ginagawa rin sa ibang mga pribadong ospital. Gail Mendoza