MANILA, Philippines- Naospital ang lampas 10 indibidwal matapos makaranas ng pananakit ng tiyan at pagsusuka, kung saan itinuturong salarin ang kinain nilang halo-halo na nabili sa isang tindahan sa Kidapawan City.
Batay sa ulat nitong Martes, isa-isa umanong dinala sa ospital ang mga nasapul ng pananakit ng tiyan, na kinabibilangan ng 3-anyos, nitong Sabado ng hapon.
Sa kasalukuyan ay sarado ang nasabing tindahan habang hinihintay ang resulta ng pagsusuri ng sample ng halo-halo.
Tumangging magkomento ang may-ari ng tindahan, na nakapagbigay ng tulong sa mga biktima.
Batay sa ulat, nananatili ang tatlong pasyente sa ospital. RNT/SA