SORSOGON CITY- Nakumpiska ng mga awtoridad ang mahigit P1.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu (crystal meth) sa isang buy-bust operation nitong Lunes sa bayan ng Labo sa lalawigan ng Camarines Norte.
Sinabi ni Brigadier General Andre Perez Dizon, Bicol police chief, sa ulat nitong Martes na 225 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng halos P1.53 milyon ang narekober mula sa isang high value drug suspect, na naaresto sa operasyon.
Ani Dizon, nadakip ang 51-anyos na suspek, na kinilala sa alyas na “Say,” ng alas-12:21 ng madaling araw nitong Lunes sa Barangay Kalamunding.
Orihinal na residente ang suspek ng Baseco Port Area sa Manila.
Mahaharap ang suspek na nasa ilalim ng kustodiya ng pulis sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022. RNT/SA