Home METRO Biktima ng mail-order-bridge scheme, nagpakasal sa loob ng travel agency – BI

Biktima ng mail-order-bridge scheme, nagpakasal sa loob ng travel agency – BI

95
0

MANILA, Philippines – NAILIGTAS ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang isang Pinay na hinihinalang nabiktima ng mail-order-bride scheme.

Iniulat ng immigration protection and border enforcement section (I-PROBES) ng BI na tinangka ng babae na umalis patungong Fujian, China noong Abril 8 kasama ang kanyang sinasabing asawa.

Nabatid na nagawa pa nilang magpakita ng sertipiko ng kasal, na sinasabing kasal sila noong 2019.

Gayunman, pinagdudahan ng mga opisyal ang mga pahayag ng babae na nagbabanggit ng maraming hindi pagkakapare-pareho sa pagitan ng kanyang mga pahayag at mga dokumentong ipinakita nito.

Taliwas sa ipinakita nitong sertipiko, iginiit ng biktima na ikinasal sila ng umano’y asawa sa loob ng isang travel agency sa Maynila.

Inamin din ng babae na nagbayad sila ng P100,000 para makuha ang marriage certificate, na ininspeksyon ng forensic documents laboratory ng BI at napag-alamang hindi totoo.

“This is yet again another case of the mail-order-bride scheme wherein women are promised a better life abroad but are made to work as domestic workers with little to no salaries,” ani BI Commissioner Norman Tansingco.

Parehong itinurn-over sa Inter-agency council against trafficking ang biktima at ang kanyang ipinakilalang asawa para sa karagdagang imbestigasyon. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here