MANILA, Philippines – Bigo ang kampo ni Kingdom of Jesus Christ (KJC) leader Pastor Apollo Quiboloy na agad makakuha ng temporary restraining order (TRO) laban sa arrest warrant na inilabas ng Senado.
Sa halip na maglabas ng TRO, inatasan ng SC En Banc ang Senado na magkomento sa petisyon ni Quiboloy na mapawalang-bisa ang contempt order na inilabas ng Senate Committee on Women.
Ayon kay SC Spokesperson Atty. Camille Ting, binigyan lamang ng 10 araw ang Senado upang isumite ang kanilang komento.
Magugunita na nag-isyu ang Senado ng arrest order laban kay Quiboloy matapos nitong isnabin ng ilang beses ang pagdinig ng Senado kaugnay sa mga alegasyon ng sexual abuse. Teresa Tavares