Home ENTERTAINMENT Angeli, dawit sa Bea-Dom breakup, 1 week nagtago!

Angeli, dawit sa Bea-Dom breakup, 1 week nagtago!

155
0

Manila, Philippines – Ipinagpipilitan ni Angeli Khang na wala siyang kinalaman sa breakup nina Bea Alonzo at Dominique Roque.

Ito ang nilinaw niya nang mainterbyu ni Nelson Canlas.

Nagsimulang madawit ang pangalan ng Vivamax star sa much-publicized breakup ng couple nang mabalitang pinanonood daw ni Dominique ang mga movies niya.

Granting na totoo, hindi raw ibig sabihin na siya ang naging dahilan why Bea and Dom broke up.

For one, hindi raw kilala ni Angeli ang mga ito, let alone had a chance to work with them in the past.

Bagama’t unfair daw that her name was dragged ay inamin ng 22 anyos na aktres na masyado siyang naapektuhan.

Base na rin daw ‘yon sa tuwing lumalabas siya.

Wari’y pinanlilisikan kasi siya ng mga tao na naniniwalang siya ang sumira ng relasyong dapat sana’y mauuwi na sa kasalan.

Ngali-ngali raw gustong harapin ni Angeli ang kanyang mga haters at ipamukha sa kanilang walang katotohanan that she was the cause of the couple’s separation.

Dumating na nga si Angeli sa puntong kinallangan daw niyang magtago nang isang linggo so as not to incur public ire.

Magugunitang mismong sina Bea at Dominic ruled out na may third party involved sa kanilang paghihiwalay.

Sa ngayon, Angeli would rather focus on her participation in GMA’s Black Rider.

Hindi naman kaya maakusahan naman siyang third party sa relasyon ng bida nitong si Ruru Madrid at nobyang si Bianca Umali? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here