Home NATIONWIDE DOE sa mga distributor: Anti-bill shock lending program, gamitin sa abot-kayang electricity...

DOE sa mga distributor: Anti-bill shock lending program, gamitin sa abot-kayang electricity rates

MANILA, Philippines – Bilang tugon sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand R.  Marcos Jr., kapuwa hinikayat ng Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) ang mga electricity distribution utilities na gamitin ang Anti-Bill Shock Lending Program ng Land Bank of the Philippines (LANDBANK) para maging ‘affordable’ ang electricity rates ng mga consumers.

Sinabi ni DOE Secretary Raphael P.M. Lotilla na ipinag-utos sa kanila ni Pangulong Marcos na makipagtulungan sa ibang ahensiya ng pamahalaan at stakeholders para pagaanin ang pagdurusa ng mga mamamayan mula sa inaasahang pagtaas ng bayad sa kuryente sa gitna ng tumataas na temperatura at paglago ng energy demands sa bansa.

“As we confront the challenges of rising temperatures and increased energy demands, we are working closely with other government agencies to ease the burden of Filipino households from the expected surge of electricity costs.

Landbank’s involvement in this effort is crucial, highlighting our unified stride towards safeguarding the welfare of our citizens,” ayon kay Lotilla.

Sinabi naman ni ERC Chairperson at CEO Monalisa C. Dimalanta na ang lending program ay nagpapanukala ng “win-win situation” kapuwa para sa electricity distribution utilities at consumers.

“It helps ensure sufficient and affordable energy access nationwide while protecting Filipino households from electricity bill shock during the summer season when power consumption is expected to surge,” dagdag na pahayag ni Dimalanta.

Sa ilalim ng lending program, “the LandBank provides financing to distribution utilities at concessional rates, enabling them to spread out the incremental increases in their customers’ billings by up to nine months without passing the borrowing cost to consumers who cannot afford to pay at full cost.”

Ang Anti-Bill Shock Lending Program ay inilunsad noong Abril 2023. Ito’y nangangahulugan ng “Assistance to Narrow and Trim down the Incremental power cost increase via Bridge financing Initiative of LandBank to Lower and Spread out Hot summer-triggered monthly Consumption on Konsumers’ Electricity. “

Sa kabilang dako, sinabi naman ni LandBank President and CEO Lynette V. Ortiz na “the ANTI BILL SHOCK Program forms part of LandBank’s commitment to advancing the country’s energy sector by making credit more accessible to power distribution companies and other players in the industry. We are poised to forge deeper collaborations within the sector, advocating for the interests of both energy providers and consumers.”

Ang bawat power distributors ay maaaring umutang ng hanggang 80% ng incremental increase ng kanilang power generation at transmission charges, subalit hindi lalampas sa repayment capacity ng distribution utilities o tatlong beses ng average billings ng power suppliers.

Ang mga borrowers ay obligado na magpatupad ng sarili nilang “anti-bill shock program” para protektahan ang kani-kanilang mga kliyente mula sa inaasahang pagtaas ng electricity bills. Ang programa ay ‘available’ anumang oras ng taon o kahit kailan.

Samantala, makikita naman sa rekord ng Landbank na inaprubahan na nito ang P450 million para ipautang sa mga electricity cooperatives sa ilalim ng programa. Kris Jose