Home METRO 20-anyos, arestado sa kalaswaan

20-anyos, arestado sa kalaswaan

1
0

MALABON CITY, Philippines – Nakorner at inaresto ang 20-anyos na No. 1 Most Wanted Person (MWP)  na akusado sa tatlong bilang ng Statutory Acts of Lasciviousness makaraang masukol ng Malabon-PNP, iniulat kahapon.

Batay sa report na nakakap mula sa tanggapan ni  Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, pansamantalang nananatili sa custodial facility unit ng Malabon City Police Station ang akusado na isang construction worker.

Ayon kay Malabon Police Chief P/Col. Kenneth Mission, nang maglabas ang Regional Trial Court Branch 73, Malabon City, noong August 25, 2026 ng arrest warrat para sa tatlong bilang ng Statutory Acts of Lasciviousness at paglabag sa Section 10(a) ng R.A 7610 laban sa akusado ay agad nilang sinimulan ang pagtugis sa puganti.

Nagmula sa isang impormante  ang naging daan ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Malabon Police kaya”t naaresto ang akusado sa Brgy., Catmon  dakong alas-2:30 ng hapon.

Hindi naman umano pumalag ang akusado nang isilbi ng pulisya ang nasabing warrant na may inirekomendang piyansa na kabuuang halaga na P404,000 para sa kanyang pansamantalang paglaya. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here