Home ENTERTAINMENT Indie film ni Marian, bina-bash!

Indie film ni Marian, bina-bash!

174
0

Manila, Philippines – Hindi pa man ay wagas na ang tinatanggap na pamba-bash ni Marian Rivera for accepting the offer to do her first ever indie film.

Ito ‘yung pelikulang Balota where she plays a teacher.

Balitang ilalahok ito sa Cinemalaya Festival.

Not only is Marian getting the flak, damay rin ang producer ng Balota na GMA Pictures at GMA Entertainment Group.

Malinaw kasing naghahamon ang mga bashers kung malalampasan daw ba ni Marian ang kinita sa takilya ng Rewind sa MMFF 2023.

Close to P1 billion ang press release na iniakyat na pera nito sa kabang-yaman ng Star Cinema.

Siyempre, the answer is pretty obvious: hindi!

For one, indie film nga ang film project na tinanguan ni Marian to the point of “pleading” with her manager Mike Tuviera to fix her sked dahil ayaw niyang palampasin ang aniya’y magandang alok.

Pinatututsadahan pa ng mga bashers ang side ng GMA dahil ayon sa kanila, tanging ang Star Cinema lang ang makakapagbigay sa aktres ng pelikulang wawasak sa lahat ng box office records.

Obyus na lumulusot lang ang mga bashers kahit aware sila na magkaibang-magkalba ang dalawang festival.

With MMFF ay maraming pinagpalabasan ng Rewind.

This was not only shown for a period spanning 10 days kundi extended pa.

Ipinalabas din ito sa US alongside other MMFF entries.

So, kung kita at kita ang pag-uusapan ay malayong maabot ng Balota ang gross receipts ng Rewind.

Plus huwag din nating kalimutan na kasama rin doon si Dingdong Dantes.

So, why the bashing?! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here