Home ENTERTAINMENT Liza, nag-pictorial sa pinakamahal na resort!

Liza, nag-pictorial sa pinakamahal na resort!

203
0

Manila, Philippines- Tiyak na magiging masaya rin ang dating manager na si Ogie Diaz kay Liza Soberano if only for the latter’s career milestones.

Ganoon naman si Ogie, walang masamang tinapay sa kanya.

Nagsanga man ang kanilang landas, hangad pa rin ng manager cum content creator ang tagumpay at kaligayahan ni Liza.

And if only for this, it’s something that Liza has to be eternally thankful for.

Tuluy-tuloy pa rin ang daloy ng suwerte kay Liza these days.

Siya ang bagong endorser ng isang sunscreen brand, a must lalo na ngayong panahon ng tag-init na tila wala nang katapusan.

Donning her swimsuit, nag-pictorial si Liza sa Banwa Private Island in Palawan.

Mind you, it’s not just a private resort like any other.

Kinabog lang naman ng Banwa ang Amanpulo and other destinations in Maldives, in Carribean or elsewhere.

Sinasabi kasing most expensive resort ito in the world!

Eh, kung ‘di ba naman, ang per night doon ay aabot sa US$100,000.

Converted to peso as of the day’s prevailing exchange rate, aba, papalo ito nang mahigit P5.7 million!

Kung ganoon kadugo ang Banwa, we can just imagine kung gaano rin kalaki ang TF ni Liza for being the sunscreen ambasador. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here