Home NATIONWIDE Pagbuwag sa NTF-ELCAC nasa kamay ni PBBM – solon

Pagbuwag sa NTF-ELCAC nasa kamay ni PBBM – solon

151
0

MANILA, Philippines – Nasa kamay na ni Pangulong Ferdinand Marcos ang desisyon kung bubuwagin nito ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ito ang magkakaprehong tugon nina Isabela Rep. Faustino Dy, Manila Rep. Ernesto Dionisio Jr at TINGOG Partylist Rep. Jude Acidre nang hingan ng reaksyon ukol sa isyu sa isang press conference sa Kamara.

“I trust the decision of the President, also the Executive, in regard to the abolishment or not of the NTF-ELCAC … We leave it up to the Executive to decide kung papano po or how do they go about with proceeding with the NTF-ELCAC program,” ani Dy.

Sinabi naman ni Dionisio na ang desisyon ng Korte Suprema ay isang paalala sa mga ahensya ng gobyerno, gaya ng NTF-ELCAC na gawin ang kanilang mandato ng hindi inaapakan ang karapatan ng mga mamamayan.

Nabuhay ang panawagan na buwagin ang NTF-ELCAC matapos na lumabas ang desisyon ng SC na nagsasabi na ang NTF-ELCAC ay notoryus sa red-tagging na naglalagay sa panganib sa buhay ng maraming Pilipino na kritikal sa administrasyong Duterte.

Sinabi ni Acidre na maaaring tinitimbang ng Pangulo ang gagawin nitong aksyon.

“Duon naman sa pagbuwag ng NTF-ELCAC, I think the President is proceeding with more caution, the way I read it, Malacañang is proceeding with caution conscientiously with how to deal with the insurgency problem,” sabi ni Acidre.

“They have not definitely acted and given that this a policy decision of the Executive. Ang Congress naman will surely support whatever will benefit, whatever would produce the results na kailangan para mas maging manatili iyong pang matagalang pangkapayapaan at matapos na ang insurgency sa ating bansa,” dagdag pa nito.

Aminado ang tatlong kongresista na may mga nagampanan din ang NTF- ELCAC upang labanan ang insurgency at lokal na terorismo sa bansa.

“Sa amin po nagkaroon kami ng problema sa ganito, Isabela marami po kaming armed conflict dati. Definitely nabawasan na po ito, kumonti na, but it still exists in certain parts of the country. So iyon po completely ang gusto nating mawala and there have been successes with the NTF-ELCAC,” dagdag pa ni Dy.

Ayon kay Dionisio, hindi maitatanggi ang kahalagahan ng papel ng NTF-ELCAC.

“There is really an important role that the NTF-ELCAC plays. But it’s just a balance. Hindi naman puwedeng alisin totally pero dapat maproteksiyunan lang iyong mga rights ng ating kababayan,” pagtatapos pa ni Dionisio. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here