Home NATIONWIDE PBBM sa mga militar, pulis sa destab plot: Propesyonalismo, panatilihin

PBBM sa mga militar, pulis sa destab plot: Propesyonalismo, panatilihin

MANILA, Philippines – PINAALALAHANAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga sundalo at kapulisan na panatilihin ang kanilang propesyonalismo sa gitna ng kasalukuyang usapin kaugnay sa umano’y destabilization plot laban sa kanya.

“Even if you didn’t vote for me, that’s OK with me. As long as you remain professional, you do your job right. That’s my request to the police and the Armed Forces,” ayon sa Pangulo sa naging panayam sa kanya sa General Santos City.

“I am not sure about loyalty check,” aniya pa rin nang tanungin kung kinakailangan ba na magsagawa ng loyalty check sa hanay ng miltar at pulis sabay sabing “What will you say to the person? ‘Are you loyal to me?’ Of course, the person will say yes even if he’s not loyal to you.”

“But we might check their records,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, sinabi ng Chief Executive na wala siyang natatanggap na anumang intelligence report ng nasabing destab plot, gaya ng isiniwalat ni dating Sen. Antonio Trillanes IV.

“But maybe some of the retired ones are the ones moving or joining destabilization efforts. But among our policemen and our officer corps, we don’t see any politicking among the police,” ayon sa Punong Ehekutibo.

Sa ulat, ibinunyag ni Trillanes na dahil sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte kung bakit may ugong at planong destabilisasyon ngayon sa administrasyong Marcos.

Sinabi ni Trillanes na dating mga retirado at aktibong opisyal ng Philippine National Police (PNP) na aniya ay sanggang-dikit umano ni Digong ang kasama sa planong destab para pahiyain ang kasalukuyang administrasyon.

Nagsimula umano ang “recruitment” noong nakaraang taon subalit wala pang nahihikayat.

Naniniwala ang dating senador na ang destab plot ay para protektahan si dating pangulong Duterte mula sa pagpapalabas ng warrant of arrest ng ICC kaugnay ng kasong crime against humanity of murder sa kasagsagan ng kampanya laban sa illegal drugs.

Layon umano ng ouster plot na mapatalsik si Pangulong Marcos upang pumalit si Vice President Sara Duterte. Kris Jose