Home NATIONWIDE Loan scam na gumagamit ng logo, pangalan ng OWWA ibinabala

Loan scam na gumagamit ng logo, pangalan ng OWWA ibinabala

153
0

MANILA, Philippines- Pinagiingat ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang publiko laban sa mga loan scam na gumagamit ng logo o pangalan ng ahensya.

Ayon sa OWWA, may mga account na naman na gumagamit ng kanilang logo o pangalan para makahikayat sa mga Pilipino tungkol sa loan lending na scam pala.

Iginigiit ng OWWA na ang mga account na ito ay walang kaugnayan sa kanilang ahensya, maging sa Regional o Central Office.

Panawagan ng OWWA sa publiko na kung makakita ng mga ganitong account o panghihikayat ng mga loan ay agad magsumbong sa mga kinauukulan at i-report agad para magawan ng agarang aksyon. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here