Home METRO P4.4M shabu, marijuana nakumpiska

P4.4M shabu, marijuana nakumpiska

TABUK CITY, Kalinga- Arestado ang isang lolo na isang street-level individual at isa pang suspek matapos madakip ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation noong Biyernes sa Barangay Nambaran lungsod na ito.

Sa pinagsamang operasyon ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Provincial Intelligence Unit, Tinglayan Municipal Police Station (MPS), 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company (PMFC), at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Kalinga, nakuha sa 62-anyos na lolo ang 300 gramo ng hinihinalang suspected shabu na aabot sa P2 milyon at 55 millimeters ng marijuana oil na nagkakahalaga ng P12,100.

Narekober din sa suspek ang M16A1 Colt AR15 rifle, magazines, at mga bala.

Nadakip din ang 31-anyos na suspek na street-level individual, na nakuhanan ng 5 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P34,000, AR15 Colt 5.56 rifle, at 87 mga bala.

Samantala, 12,000 namang mga pananim na marijuana na aabot sa halagang P2.4 milyon ang nadiskubre ng mga awtoridad saka sinira sa Barangay Loccong, Tinglayan, ng nasabing probinsya.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal drugs ang mga suspek. Mary Anne Sapico