Home NATIONWIDE 4K contractual jobs ng DSWD sa implementasyon ng 4Ps, aprubado ng DBM

4K contractual jobs ng DSWD sa implementasyon ng 4Ps, aprubado ng DBM

196
0

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglikha ng mahigit 4,000 contractual positions para sa iba’t ibang field offices ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang masiguro ang epektibong implementasyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ang contractual positions na ito ay tutulong sa mga staff ng DSWD mula sa mga field offices na kasama na sa 4Ps case management.

“Supporting the 4Ps is crucial in inclusive development, empowering families, and breaking the cycle of poverty in the Philippines. With this move, we are also generating employment opportunities, which in some ways help stabilize our economy,” sinabi ni Budget Secretary Mina Pangandaman nitong Lunes, Mayo 13.

Dagdag-pwersa ang 4,265 Project Development Officer II contractual positions sa mga kasalukuyang staff ng DSWD para sa caseload na isang case manager sa bawat 300 tirahan.

Mahalaga ang gampanin ng case managers sa matagumpay na implementasyon ng 4Ps.

Hanggang noong Agosto 2023, nasakop na ng implementasyon ng 4Ps ang kabuuang 3,976,653 household beneficiaries sa 41,676 barangays sa buong bansa, o 90.38 percent ng target na 4.4 milyong tirahan, batay sa Fiscal Year 2023 report ng DSWD.

Kamakailan ay pinayagan din ng DBM ang paglikha ng 12,637 contractual positions na inokupahan ng COS/JO workers sa pagpapatupad ng 4Ps.

Sa mga inaprubahang contractual positions, 5,291 contractual positions ang binuo bilang case managers.

Ang pondo sa paglikha ng 4,265 PDO II contractual positions ay kukunin sa available allotment ng DSWD. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here