Home METRO Kelot arestado sa P300K bato

Kelot arestado sa P300K bato

PANGASINAN-Swak sa kulungan ang isang 49-anyos na lalaki matapos makadiskubre ang mga otoridad ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P300,000 nang salakayin nila ang loob at labas ng bahay ng suspek sa Brgy. Amamperez, Villasis ng lalawigang ito.

Bandang 2:00 ng madaling araw ngayong araw, Mayo 13, nang salakayin ng mga pinagsanib na puwersa ng Villasis MPS (lead unit), 2nd Pangasinan PMFC, PIU Pangasinan PPO at RID PRO1 ang bahay at ang nasasakupan ng bakuran ng suspek sa bisa ng search warrant na pirmado ng Executive Judge ng RTC Branch 40, Dagupan City.

Ang pagsalakay ay ikinasa ng mga otoridad matapos silang makipag-ugnayan sa PDEA RO1.

Nasa 44.51 gramo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa 41 na heat-sealed transparent plastic sachet ang nakumpiska ng mga otoridad sa naturang operasyon.

Tinatayang nagkakahalaga ng P302,668.00 ang nakumpiskang hinihinalang shabu.

Bukod rito, may mga nakumpiska rin na non-drug evidence ang mga otoridad. Rolando S. Gamoso