MANILA, Philippines – Hindi pa sumasagot si dating Speaker at incumbent Davao del Norte representative Pantaleon Alvarez sa ethics complaint na inihain laban sa kanya.
“As of last night, we are yet to receive an answer from former Speaker Alvarez,” sinabi ni House ethics and privileges panel chairperson Jill Bongalon ng Ako Bicol party-list sa isang press conference.
Sinabi ni Bongalon na magpapatuloy ang House ethics and privileges committee sa deliberasyon sa ethics complaint na inihain laban kay Alvarez sa Huwebes, Mayo 16.
Ang complainants ay mula Davao del Norte, na pinangunahan ni Rey Uy, na nag-akusa kay Alvarez sa paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for public officials, maging ang pagpapakita ng hindi tamang pagkilos ng isang opisyal ng pamahalaan.
Ito ay dahil sa mga “libelous remarks against his fellow local officials; habitual absences in the House of Representatives proceedings; and seditious utterances and statements during a public rally in Davao City,” kung saan nanawagan siya na kumalas na ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police (PNP) sa pagsuporta sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Nauna nang sinabi ni Bongalon na ang desisyon ng House ethics panel ay ipinadala na sa opisina ni Alvarez at sa official email ng kanyang opisina, maging ng kanyang chief of staff noong Biyernes, Mayo 3, kaparehong araw nang gawin ang deliberasyon ng House ethics panel sa reklamo.
Sa ilalim ng House rules, nakitang guilty ang mambabatas sa ethics case at nahaharap ito sa mga parusang admonition; reprimand; censure; 60 calendar days suspension; expulsion; o iba pang penalty na irekomenda ng komite.
Nilinaw ni Bongalon na ang kapalaran ni Alvarez ay hindi lamang pagdedesisyunan ng ethics committee.
“The findings of the ethics committee…is just recommendatory. The House [members in] plenary will vote to approve or disapprove the recommendation of the committee, whatever it is,” dagdag ni Bongalon.
Bago ang paghahain ng ethics complaint laban sa kanya, itinanggi ni Alvarez na nagkaroon siya ng “seditious remarks” at sinabing nanawagan lamang siya ng mapayapang pag-urong ng suporta mula sa Pangulo. RNT/JGC