ISTANBUL – Umakyat sa 58 ang bilang ng mga namatay sa baha cold lava sa lalawigan ng West Sumatra sa Indonesia nitong Miyerkules, sinabi ng disaster management agency ng bansa.
Aabot sa 35 iba pa ang nawawala habang ang cold lava – pinaghalong tubig at bato – ay dumadaloy pababa sa Mt. Marapi.
Umabot sa 33 residente ang nasugatan habang 1,543 pamilya ang nawalan ng tirahan, iniulat ng Kompas TV na binanggit ang disaster management head ng bansa.
Nagpapatuloy pa rin ang search and rescue operations, habang pansamantalang itinigil ng ulan ang mga operasyon.
Nag-set up ang mga awtoridad ng mga pampublikong kusina at mobile water treatment facility para sa mga apektadong tao.
Isang aktibong bulkan, ang Mt. Marapi ay unang pumutok noong Disyembre at pagkatapos ay muli noong Enero ngayong taon bago ang pinakahuling pagsabog nito noong Sabado. RNT