Home NATIONWIDE PBBM bilang depensa sa Pilipinas: Kapangyarihan ‘di sinusukat sa lakas kundi sa...

PBBM bilang depensa sa Pilipinas: Kapangyarihan ‘di sinusukat sa lakas kundi sa dahilan

179
0

MANILA, Philippines – Bilang depensa sa Pilipinas, iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang tunay na kapangyarihan ay nasusukat sa dahilan na ipinaglalaban ng mga mamamayan.

Ani Marcos, hindi natatakot at sumusuko ang mga Filipino sa panahon ng giyera, at sa kasalukuyan ay naniniwala siyang magpapatuloy na lumaban at depensahan ng mga mamamayan kung ano ang nararapat para sa bansa.

Ayon sa Pangulo, dapat na ipakita ng mga Filipino sa international community ang tunay na kapangyarihan na hindi nasusukat ng lakas o yaman, kundi sa tunay na dahilan kung ano ang ipinaglalaban ng mga mamamayan at ang pag-ibig sa bansa.

“Ang ating mga ninuno ay hindi umurong sa digmaan, kaya’t tayo ay hindi rin tatalikod sa tungkuling ipagtanggol ang ating nasasakupan,” sinabi ni Marcos.

“Ipakita natin sa buong daigdig na ang tunay na kapangyarihan ay hindi nasusukat sa lakas o yaman, kung hindi sa tunay na kahulugan at katuwiran ng ating ipinaglalaban, sa alab ng pag-ibig sa bayan, at sa di-matatawarang pagkakaisa ng ating mga mamamayan,” dagdag pa niya.

Nagbabala si Marcos na ang kalayaan na natamo ng bansa ilang taon na ang nakalilipas, ay maaari pa ring maagaw.

“Ang kalayaan ay inaalagaan, binabantayan at [ipinapaglaban]. Sa sandaling mapabayaan natin ito, maaari itong mawala at maagaw muli sa atin,” pahayag ng Pangulo.

“Sinisimbolo ng okasyon natin ngayon — ang Parada ng Kalayaan na masasaksihan natin maya-maya — ang ating pagsisikap na maisabuhay sa puso ng bagong Pilipino na narito ngayon, ang tunay na diwa ng kabayanihan, kalayaan, at pag-asa,” dagdag niya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here