Home METRO May-ari ng resort natagpuang patay sa bahay sa Batangas

May-ari ng resort natagpuang patay sa bahay sa Batangas

MANILA, Philippines – Bangkay na nang matagpuan ang isang 73-anyos na babaeng may-ari ng isang resort sa kanyang bahay sa Bauan, Batangas.

Sa imbestigasyon ng pulisya, mag-isa lamang ang biktima sa bahay nang mangyari ang krimen.

Lumabas sa imbestigasyon na suspek sa pagkamatay ng biktima ang dating katiwala nito sa kanyang resort.

Pagnanakaw o personal na galit ang tinitingnang motibo sa pagpatay sa biktima dahil tinanggal sa trabaho sa katiwala.

Nanawagan naman ang mga kaanak ng biktima sa suspek na sumuko na. RNT/JGC