Home NATIONWIDE China kinondena ni Binay sa muling pagbangga sa PH vessel sa WPS

China kinondena ni Binay sa muling pagbangga sa PH vessel sa WPS

118
0

MANILA, Philippines – Matinding kinondena ni Senador Nancy Binay ang pinakahuling panghihimasok at panggigipit ng China sa teritoryo ng Pilipinas matapos intensiyunal na banggain ang barko ng Philippine Navy sa loob ng West Philippine Sea (WPS) malapit sa Ayungin Shoal.

Sa pahayag, sinabi ni Binay na lubhang nang nakababahala ang panghihimasok ng China sa loob ng teritoryo ng bansa partikular ang pangbangga sa mission ship na isinisisi pa sa ating sundalo.

“I strongly condemn the unnecessary, insensitive and irresponsible action made by the Chinese Coast Guard on June 17 by patently ramming our mission ship near Ayungin Shoal,” giit ni Binay.

Nitong Lunes, intensiyunal na binangga ng Chinese Coast Guard ang resupply ship ng Philippine Navy sa BRP Sierra Madre na ikinasugat ng ilang sundalo at pagkawala ng supply sa tropang nakahimpil sa naturang barko sa Ayungin Shoal.

“Mahirap paniwalaan na ang supply ship pa ang may sala samantalang maraming ulat ng mga katulad na insidente ng pagbangga ng CCC sa ating mga bangka maging mga sasakyang-dagat ng mga foreign-flagged vessels,” ayon kay Binay.

Dahil dito, nanawagan si Binay sa China na pairalin pangkamahinahon at maging mabuting kaibigan at kapitbahay na siyang ginagawa ng ating bansa sa Beijing.

“I call on the Chinese Coast Guard to exercise restraint and urge them to be good friends and neighbors with the Philippines as our country is to them,” giit ni Binay.

Giit pa ng senador na :”We will continue to stand firm in our resolve to protect our people and our sovereignty. The safety and well-being of our citizens will always be paramount.”

“If China indeed values our friendship, we want them to understand that we don’t hurt our friends.,” aniya.

“We are never the aggressors,” patapos ng mambabatas. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here