![Screenshot 2024-06-20 231855](https://remate.ph/wp-content/uploads/2024/06/Screenshot-2024-06-20-231855.png)
MANILA, Philippines – To the rescue ang BLOOMS para sa BINI member na si Colet matapos na mag-viral ang isang post sa X ng basher nito!
Sa naturang post sa X, pinuna ng isang user ang post ni BINI Colet sa pagtatanong out of curiosity kung saan umano nakukuha ng mga fans ang mga old photos nito.
To give a background, uso kasi ang throwback ng mga old photos ng BINI members lalo na ang mga kuha noong sila ay bata pa.
Sa X post, pinuna nito ang pang-aaway umano ni Colet sa mga supporters dahil sa mga childhood pics.
Sinabi pa nito na, “Ayaw mo pala mastalk at makita digital footprints mo, nagpafamous ka pa.”