Home NATIONWIDE Pagbasura sa ikatlong drug case ni De Lima, ‘grave error’ – Panelo

Pagbasura sa ikatlong drug case ni De Lima, ‘grave error’ – Panelo

82
0

MANILA, Philippines – SINABI ni dating presidential spokesperson at chief legal counsel Atty. Salvador Panelo na nakagawa ng “grave error” ang korte nang ibasura nito ang ikatlo at natitirang drug case ni dating Senador Leila de Lima.

Sa isang kalatas, sinabi ni Panelo na kinonsidera ng korte ang pagbawi sa mga testimonya laban kay De Lima kahit wala namang ebidensiya na inilahad ang mga testigo na ang kanilang mga naging testimonya ay ‘under duress o coercion, threats, o psychological pressure.”

“No such evidence was presented before the court hence the previous testimonies of the recanting witnesses against De Lima should have not been disregarded. Moreover, there was credible evidence extant on the record for a conviction,” ayon kay Panelo.

“The dismissal of the drug case therefore was in grave error it being contrary to the evidence and jurisprudence,” dagdag na wika ni Panelo.

Si Panelo ay nagsilbi sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kung saan si De Lima ay isang opposition senator, inaresto at kinasuhan para sa di umano’y nakinabang mula sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Sa ulat, iIbinasura na ng korte sa Muntinlupa ang ikatlo at huling kaso laban kay dating Senador Leila de Lima, na nag-uugnay sa kaniya sa ilegal na droga na inihain noong panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“Demurer is granted,” sabi sa mga mamamahayag ni Atty. Boni Tacardon, abogado ni De Lima, kaugnay sa desisyon ng korte para ibasura ang huling kaso laban sa kaniyang kliyente.

Nitong nakaraang Marso nang maghain sa korte ng demurrer to evidence ang kampo ni de Lima, at hilingin sa hukom na ipawang-sala siya sa bintang dahil sa kabiguan ng kampo ng tagausig na magpakita ng mga katibayan na magdidiin sa kaniya sa bintang na “guilt beyond reasonable doubt.

Nobyembre noong nakaraang taon nang payagan ng korte ang dating senador na makapagpiyansa at makalaya mula sa pagkakadetine sa Camp Crame mula noong February 2017 dahil sa mga alegasyon na sangkot siya sa kalakaran ng ilegal na droga noong panahong kalihim siya ng Department of Justice sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon sa kampo ni de Lima, isinumite ng kampo ng tagausig ang lahat ng kanilang ebidensiya laban sa dating senadora nang dinggin ang bail petition.

Nabigo umano noon ang mga tagausig na makapagpakita ng matibay na ebidensiya na nag-uugnay kay de Lima sa ilegal na droga nang pagbigyan ng korte na makapagpiyansa ang dating senadora.

Pebrero 2021 nang ibasura ng Muntinlupa City RTC-Branch 205 ang unang drug case laban kay de Lima. Nasundan ito ng ikalawang pagbasura ng Muntinlupa RTC Branch 204 sa kaso noong May 2023.

Una rito, ibinasura din ng Quezon City court ang dalawang disobedience cases na inihain laban kay de Lima.

Para kay Panelo, ang jail time ni De Lima na 7 taon ay hindi masasabing injustice kundi “a punishment for her persecution of former President Rodrigo Duterte when he was mayor of Davao City.”

“When she (De Lima) was the head of the Commission on Human Rights (CHR), supposedly falsely accused Duterte over extrajudicial killings in the city. Such accusations against Duterte continued during her stint as Justice secretary,” ayon kay Panelo.

“The former senator should now move on and learn from the lessons of the past,” aniya pa rin. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here