Home METRO Binata narindi sa sermon ng magulang nagbigti, patay

Binata narindi sa sermon ng magulang nagbigti, patay

QUEZON, Isabela – Tuluyan ng kinitil ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbiti ang isang binata dahil umano sa palagiang panenermon ng mga magulang sa Quezon, Isabela.

Ayon kay PMaj. Clarence Labasan, hepe ng Quezon Police Station, lagi umanong pinagsasabihan ng mga magulang ang kanilang 20-anyos na binatilyo na tumigil na sa pag-iinom ng alak at tumulong sa mga gawain sa kanilang bahay.

Maraming beses din kasi umanong naaksidente ang biktima dala ng kanyang kalasingan kaya lagi rin itong pinapaalalahanan ng kanyang mga magulang.

Ikinasama umano ito ng biktima dahil nabanggit niya umano ito sa kanyang nakainumang babae sa isang pinuntahang bahay inuman.

Kumbinsido naman ang mga magulang na talagang nagpakamatay ang kanilang anak kaya hindi na rin isinailalim sa autopsy ang bangkay nito.

Uana rito, nakita ng ama ang nakabigting katawan ng biktima gamit ang isang lubid sa loob mismo ng kuwarto nito.

Agad itong ibinaba ng tatay at isinugod pa sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival. Rey Velasco