Home METRO ER services ng Pasig City Children’s Hospital lilimitahan simula Hunyo 28

ER services ng Pasig City Children’s Hospital lilimitahan simula Hunyo 28

MANILA, Philippines – Pansamantalang lilimitahan ng Pasig City Children’s Hospital ang mga serbisyo sa emergency room nito simula Biyernes, Hunyo 28 upang bigyang-daan ang paglilinis at pagdidisimpekta ng mga pasilidad nito.

“Sa darating na Biyernes, June 28, 2024, sa ganap na 06:00PM, pansamantalang lilimitahan ang operasyon at ililipat ang lokasyon kung saan nagkakaloob ng Emergency Room Services ang Pasig City Children’s Hospital,” base sa abiso ng Pasig City local government.

Idinagdag ng LGU na ang mga serbisyo sa emergency room ay gagawin sa Outpatient Department hanggang Hulyo 1.

Ang mga normal na serbisyo ay babalik sa emergency room sa 6 a.m. sa Hulyo 1. RNT