Home NATIONWIDE Proteksyon ng OFWs sisiguruhin ng DMW sa pag-alis ng visa ban ng...

Proteksyon ng OFWs sisiguruhin ng DMW sa pag-alis ng visa ban ng Kuwait

164
0

MANILA, Philippines – Magpapatupad ng mas mahigpit na hakbang ang Department of Migrant Workers (DMW) upang maprotektahan ang mga overseas Filipino worker (OFWs) na ide-deploy sa Kuwait.

Sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na pag-iibayuhin din nila ang kanilang monitoring sa mga kondisyon ng mga OFW sa Gulf state, gaya ng napagkasunduan ng Manila at Kuwait.

Kabilang sa hakbang ang pagpapatupad ng sistema para sa Blacklist at Whitelist ng Recruitment Agencies at employers na lalahok sa resumption ng deployment, ang pagbibigay ng suweldo ng mga OFW sa pamamagitan ng electronic payment upang matiyak ang napapanahong pagbabayad ng sahod, at ang paghirang ng mga opisyal ng welfare upang subaybayan, iulat, at tulungan ang mga OFW sa buong cycle ng kanilang labor migration.

Sa press briefing nitong Martes, sinabi ni Cacdac na pagagaanin ng Kuwait ang paghihigpit sa issuance ng entry at work visas sa mga Filipino na nagka-visa simula noong Mayo nang nakaraang taon.

Sinabi ni Cacdac, na ang resulta ng pagpupulong noong Hunyo 23 sa pagitan ng DMW Undersecretary Bernard Olalia, Philippine Ambassador to Kuwait Jose Cabrera III, DMW Labor Attaché Manuel Dimaano na kumakatawan sa Pilipinas at Kuwaiti Interior Minister and First Deputy Minister of Defense Sheikh Fahd Yousef Saud Al-Sabah ng Kuwait.

Kasama rin sa pagpupulong ang mga kinatawan mula sa Kuwait Ministry of Foreign Affairs at Public Authority for Manpower.

Sinabi ng hepe ng DMW na ang pag-alis ng deployment ban ay magbubukas muli ng mga pagkakataon para sa mga propesyonal, skilled, at semi-skilled na manggagawang Filipino na magtrabaho sa Kuwait.

Samantala, ang mga domestic worker ay dapat magkaroon ng karanasan sa pagtatrabaho sa ibang bansa bago sila ma-deploy sa Kuwait.

Upang higit na matiyak ang proteksyon ng OFW, nagkasundo rin ang Pilipinas at Kuwait na magtatag ng joint technical working committee na palaging magpupulong para resolbahin ang mga isyu na may kinalaman sa paggawa at iba pang alalahanin upang higit na matiyak ang proteksyon ng OFW. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here