Home ENTERTAINMENT SB19, pasok sa Most Handsome Men ng The Netizens Report!

SB19, pasok sa Most Handsome Men ng The Netizens Report!

187
0

Manila, Philippines – Pasok sa listahan ng 2024 most handsome men alive ang kilalang Pinoy group na SB19 ayon sa The Netizens Report, isang international polling serial, sa inilabas na bi-annual survey nito.

Tinanghal naman ang Chinese actor at singer na si Zhang Zhehan bilang most handsome man alive of 2024.

Sumegunda sa kanya ang K-pop icon na si Kim Seok-jin.

Nakopo naman ng SB19 member na si Justin de Dios ang ikatlong puwesto.

Wagi rin ang iba pang miyembro ng grupo tulad nina Felip Suson (Number 4), Stell Ajero (Number 6), Josh Cullen Santos (Number 7) at Pablo (Number 8).

Ang iba pang nakasama sa listahan ay ang Thai actor na si Build Jakapan na nag-rank sa ikalimang puwesto at Turkish actor at model na si Halil Ibrahim Ceyhan na nasa number 9.

Nasa ikasampung puwesto naman si Jeon Jungkook na miyembro ng pamosong South Korean boy band na BTS. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here