Home NATIONWIDE Mahigit 800K indibidwal nakinabang sa tulong ng Red Cross sa 2024 Q1

Mahigit 800K indibidwal nakinabang sa tulong ng Red Cross sa 2024 Q1

MANILA, Philippines – Nagbigay ng iba’t ibang humanitarian assistance sa kabuuang 804,323 na benepisyaryo sa unang kalahati ng 2024 ang Philippine Red Cross (PRC), ayon sa datos na inilabas ng Operations Center nito.

Mula Enero 1 hanggang Hulyo 4, nagbigay ang PRC ng maiinom na tubig sa 296,613 indibidwal, nagbigay ng maiinit na pagkain sa 132,875, nagbigay ng 131,223 na yunit ng dugo, nagsilbi sa 89,821 sa mga health caravan, nagsilbi sa 19,942 gamit ang PRC emergency vehicles.

Nakapagbakuna rin ang PRC ng nasa 18,935 na mga tao, nagsagawa ng 1,893 dialysis treatments at nagtayo ng karagdagang 71 shelters bukod sa iba pa.

Binanggit ni PRC Secretary-General Dr. Gwen Pang na ang “PRC ay nananatiling nakatuon sa kanyang misyon na maibsan ang pagdurusa ng tao at iangat ang dignidad ng mga pinaka-mahina, at magpapatuloy na laging mauna, laging handa, at laging nandiyan lalo na sa panahon ng mga sakuna at emerhensiya.”

Bukod sa mga volunteers ng PRC sa 102 chapters nito sa buong bansa, pinapakilos nito ang mga emergency response vehicle na binubuo ng 179 ambulansya, 48 rescue boat, 35 food truck, 28 water tanker, 14 fire truck, at 8 payloader, bukod sa iba pa. Jocelyn Tabangcura-Domenden