Bulacan – Huli ang tatlong pinaghihinalaang “bigtime” na tulak matapos umanong mahulihan ng P238,000 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM).
Kinilala ang mga suspek na sina Julius Encomino, 38, Milky Joy Prinsipe, 37 at Eric Palisoc, kapwa residente ng Brgy. Sto. Cristo.
Sa report ng SJDM police station kay Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo, naganap ang operasyon bandang 5:00 ng hapon nitong Hulyo 5 sa Brgy. Sto Cristo.
Ayon sa report, nakumpiska sa operasyon ang 35 grams na pinaghihinalaang shabu na may standard price P238,000.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Art. II, Sec. 5 (selling illegal drugs) and 11 of RA 9165 habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III