Home METRO Aplikante ng CAFGU inaresto sa kasong murder

Aplikante ng CAFGU inaresto sa kasong murder

MANILA, Philippines – Isang aplikante para maging miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ang inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI-BAYDO) sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Homicide makalipas ang 22 taon.

Kinilala ni NBI Director Jaime B. Santiago ang suspek na si Felicismo Doming Arce Jr.

Siya ay naaresto ng NBI-BAYDO sa Barangay Sanafe, Lamut, Ifugao.

Ayon kay Santiago, nakatanggap ng impormasyon ang NBI-BAYDO mula sa confidential informant na ang suspek ay kinasuhan ng murder sa Bulacan ay tumakas sa batas ng mahabang panahon at nagtago sa Ifugao Province.

Sa beripikasyon ng criminal records ng suspek, natuklasan na siya ay kinasuhan ng Homicide sa Regional Trial Court sa Malolos, Bulacan at ito ay hindi pa naaresto.

Binirepika rin ng NBI-BAYDO sa RTC ng Malolos, Bulacan kung saan nalaman na mayroon siyang outstanding Warrant of Arrest.

Noong Hulyo 3, 2024, ang NBI-BAYDO ay tumuloy sa kasalukuyang address ni Arce sa Lamut, Ifugao upang ihatid ang Warrant of Arrest.

Matagumpay na nahuli ng mga operatiba si Arce, na umamin na siya ang akusado sa kasalukuyang kaso at hindi nagpiyansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden