Home NATIONWIDE PH tourism kumita ng P28B sa unang quarter ng 2024; int’l visitor...

PH tourism kumita ng P28B sa unang quarter ng 2024; int’l visitor arrival pumalo sa 3M

118
0

MANILA, Philippines – Umabot sa P280 bilyon ang tourist revenue sa unang kwarter ng taong 2024 dahil na rin sa maraming dayuhang turista na pumasok sa bansa.

Sa statistical monitoring report ng Department of Tourism (DOT) ang kinita sa turismo mula sa inbound visitors ay kasalukuyang nasa P282.17 bilyon mula Enero 1 hanggang June 30,2024 o tinatayang nasa 32.81 porsiyento na mas mataas sa P212.47 bilyong revenue mula sa parehong panahon.

Sinabi ni tourism secretary Christina Garcia Frasco na ang makabuluhang pagtaas ng kita sa turismo ay patunay sa walang humpay na pagsisikap ng administrasyong Marcos sa pagpapasigla sa sektor ng turismo sa bansa.

Samantala, noong Hulyo 10, 2024, tinanggap ng bansa ang 3,173,694 na inbound tourists, kung saan 92.55 porsiyento o 2,937,293 ay dayuhan habang ang natitirang 7.45 porsiyento o 236,401 ay mga overseas Filipino.

Nanatiling nangungunang top source ng foreign arrivals ng Pilipinas ang South Korea, na nagdala ng 824,798 o 25.99 porsiyento ng kabuuang bilang ng bisita na pumasok sa bansa.

Sinundan ng USA na mayroong 522,667 tourists; China na nagdala ng 199,939 turista; 188,805 sa Japan at Australia na umabot naman sa 137,391 turista.

Nasa ika-anim hanggang ikasampung pinagmumulan ng source markets ay ang Taiwan, Canada, United Kingdom, at mga kalapit na bansa sa Timog Silangang Asya, Singapore at Malaysia.

Naniniwala si Frasco sa pagsulong ng mga tagumpay ng industriya habang ang 2024 Economic Impact Research (EIR) ng World Travel & Tourism Council (WTTC) ay nagtataya ng isang “record-breaking” na taon para sa Philippine’s travel and tourism industry pagdating sa kontribusyon sa ekonomiya, trabaho, at paggasta ng bisita.

Ayon sa mahalagang pandaigdigang grupo ng pribadong sektor, ang kontribusyon ng sektor ng turismo sa pambansang ekonomiya ay inaasahang aabot sa P5.4 trilyon ngayong taon, o humigit-kumulang 25 porsiyento kada taon na paglago, higit pa sa record-breaking na tagumpay noong 2019 ng 7.1 porsiyento.

Nakikitaan din na lalampas sa 9.5 milyong trabaho o 20 porsiyento ng national workforce ang employment sa turismo.

Ayon sa WTTC, nakatakda ring malalampasan din ang rekord ngayon taon ng international at domestic visitor na nasa P715.6 bilyon at P 3.7 trilliuon na lagpas sa 2019 levels ng 5.7 porsiyento at 18 porsiyento. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here