Manila, Philippines – Hiwalay na ang celebrity couple na si Maris Racal at Rico Blanco.
Trending ngayon ang dalawa sa lahat ng social media platform matapos ang interview ni Maris sa press conference nito with Star Magic.
Ang aktres mismo ang nagkumpira nang tanungin ito ng press kung nakikita niya ba ang sarili “ending up” with Rico.
“Rico and I are over,” mga salitang binitiwan ni Mariz as she started shedding tears.
Maraming napapaisip kung ano ang dahilan ng breakup pero base sa paliwanag ng aktres, mukhang siya ang dahilan kung bakit nauwi sila sa hiwalayan ng former Rivermaya vocalist.
“The truth is I’m going through changes and alam naman [natin] change is either good or bad, but what I hate about change is it’s inevitable, ‘di mo siya matatakasan and wala ka nang ibang magawa but face and confront it,” saad ni Racal.
It was in May 2021 when the former couple confirmed their relationship in public.
Three years after, heto na nga, hiwalay na sila.
Inulan naman ng sad comments sa social media ang hiwalayan nina Mariz at Rico.
Marami ang affected lalo’t they see this couple’s relationship as #goals. Paula Ignacio