Home NATIONWIDE Pagkamatay ng magkapatid sa loob ng kotse sa Pampanga, walang foul play...

Pagkamatay ng magkapatid sa loob ng kotse sa Pampanga, walang foul play – police

147
0

MANILA, Philippines – Walang nakitang foul play ang pulisya sa pagkamatay ng magkapatid na edad 5 at 6 sa loob ng abandonadong sasakyan sa Santo Tomas, Pampanga noong Hulyo 6.

Ayon sa mga awtoridad, kawalan ng hangin o asphyxia ang nakitang dahilan ng pagkamatay ng dalawang bata.

Dagdag pa, umabot pa ng tatlong araw bago nakita ang bangkay ng mga ito.

Sa medico legal ng Regional Forensics Unit 3 ng Police Regional Office 3, walang nakitang foul play sa likod ng pagkamatay ng magkapatid.

Wala ring ibang external injuries bukod sa mga galos at pasa na posibleng nakuha matapos ang mga ito na mawalan ng malay.

Patuloy pang pinag-aaralan ng pulisya kung dapat bang makasuhan o managot ang mga magulang ng magkapatid. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here