MANILA, Philippines – Iniulat ng probinsya ng Negros Occidental ang P10.8 milyong halaga ng pinsala sa mga tanim na mais dahil sa armyworm sa 38 barangay sa loob lamang ng isang buwan.
Sinabi ng Office of the Provincial Agriculturist na nasa 1,117 magsasaka at 753.38 ektarya ng maisan ang apektado ng pamemeste ng armyworm mula Hunyo 1 hanggang Hulyo 1.
Naitala sa Himamaylan City ang P3.1 milyong halaga ng pinsala kung saan apektado ang 295 magsasaka at 177.36 ektarya sa mga barangay ng Barangay III-Poblacion, 3, Buenavista, Carabalan, Caradio-an, Libacao, Mahalang, Mambagaton, San Antonio, at Talaban.
Naitala naman sa Moises Padilla ang P2.4 million halaga ng pinsala sa 201 magsasaka at 166.25 ektarya sa Barangays Crossing Magallon, Inolingan, Macagahay, at Quintin Remo.
Samantala, iniulat sa La Castellana ang P1.6-million pinsala sa mga pananim sa 70.91 ektarya sa Barangays Biak na Bato, Cabacungan, Cabagnaan, Manghanoy, Puso, Robles, at Sag-ang. Isandaan at pitumput apat na magsasaka ang apektado rito.
Habang sa bayan ng Isabela, umabot sa P1.6 milyon ang pinsala sakop ang 182.12 ektarya at 262 magsasaka mula Barangays 9, Camang-Camang, Cansalongon, Makilignit, Mansablay, San Agustin, at Sebucawan.
Naitala naman sa Murcia ang pinsalang P1.5 million, apektado ang 140 magsasaka at 121.54 ektarya sa Barangays Amayco, Canlandog, Buenavista, Minoyan, San Miguel, Pandanon, at Caliban.
May pinakamababang crop damage naman ang Hinoba-an sa P439,485, apektado ang 45 magsasaka at 35.20 ektarya sa Barangays Bacuyangan, Culipapa, at Sangke.
Naghihintay pa ang probinsya ng official report at rekomendasyon kasunod ng pag-aaral ng team of experts mula sa National Crop Protection Center ng University of the Philippines-Los BaƱos (NCPC-UPLB) sa mga apektadong lugar. RNT/JGC