ITALY – Lumabas sa isang sarbey na isinagawa sa Italya na aaabot sa 3.6 porsiyento ng mga tinedyer o halos isa sa 30 indibdiwal ang ayaw na kilalanin bilang isang lalaki o babae.
Ang survey ng research institute IARD, na isinagawa sa 3,427 na mag-aaral sa pagitan ng edad na 13 at 19, sa unang pagkakataon ay nagbigay ng opsyon na “I don’t identify” sa larangan ng pagpapahayag ng kasarian.
“The figures probably underestimate the real size of the phenomenon,” sabi ni Piernicola Garofalo, past president ng Italian Society of Adolescent Medicine.
Natuklasan din sa survey na ang takot sa digmaan ay naging “bangungot” para sa 63 porsiyento ng kabataan sa Italia. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)