Home METRO P340K shabu nasamsam, 2 himas rehas sa Parañaque

P340K shabu nasamsam, 2 himas rehas sa Parañaque

88
0

Nadakip ng mga tauhan ng Parañaque City police-Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang dalawang drug suspects sa ikinasang buy-bust operation Biyernes ng gabi, Hulyo 12.

Kinilala ni Parañaque City police chief P/Col. Melvin Montante ang dalawang arestadong suspects na sina alyas Paolo, 37, at isang alyas Sophia, 26.

Base sa report na natanggap ni Montante, nadakip ang mga suspects dakong alas 7:50 ng gabi sa Barangay San Isidro, Parañaque City.

Ayon kay Montante, ikinasa ng mga operatiba ang buy-bust operation makaraang makatanggap ang SDEU ng impormasyon tungkol sa illegal na aktibidad ng mga suspects.

Sa isinagawang operasyon ay nakarekober ang mga operatiba sa posesyon ng mga suspects ng walong plastic sachets na naglalaman ng 50 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,000.

Ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Southern Police District (SPD) Forensic Unit upang sumailalim sa chemical analysis.

Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Parañaque City police ang mga suspects na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (illegal possession of prohibited drugs) Sa Parañaque City Prosecutor’s Office. (James I. Catapusan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here