MANILA, Philippines – Magkakaroon ng dagdag sa singil sa kuryente para ngayong buwan.
Ayon sa abiso, tataas ng P2.1496 hanggang P11.6012 per kWh mula sa P9.4516 per kWh noong nakaraang Hunyo ang magiging singil ng Meralco.
Ang upward adjustment ay dahil sa “higher generation charge as power costs normalized following artificially low rates last month.”
Mas mataas sana ang singil noong nakaraang buwan kumpara noong Mayo ngunit tinapyasan ng Meralco ang rate nito ng P1.9623 per kWh matapos na ipag-utos ng regulator ang postponement ng koleksyon ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM) portion ng generation charge upang pagaanin ang financial impact sa mga konsumidores. RNT/JGC