Home Uncategorized Argentina kampeon sa 16th Copa America

Argentina kampeon sa 16th Copa America

MIAMI – Umiskor si Lautaro Martinez sa extra-time para sa kampeonato nang talunin ng defending champion Argentina ang Colombia 1-0 para manalo ng record na ika-16 na korona ng Copa America kahapon.

Pinasabog ni Inter Milan forward Martinez ang ika-112 minutong atake upang tapusin ang mainit na engkwentro sa Hard Rock Stadium na nakitang lumuha ang kapitan ng Argentina na si Lionel Messi sa ikalawang kalahati matapos magtamo ng ankle injury.

Naantala ang kick-off para sa South American football showpiece ng 82 minuto pagkatapos ng gulo mula sa  mga tagahanga, ayon sa ulat.JC