Home NATIONWIDE Lalaki at babae sa loob ng kotse, patay sa pamamaril sa Cagayan

Lalaki at babae sa loob ng kotse, patay sa pamamaril sa Cagayan

151
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki at babae sa loob ng kotse sa Gattaran, Cagayan.

Ayon sa ulat, may tama ng bala ng baril ang dalawang biktima sa loob ng kotseng nakatigil sa gilid ng highway sa Barangay Basao.

Kinilala naman ang biktimang lalaki sa pamamagitan ng lisensya nito ngunit hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng babae.

Posibleng kakilala umano ng mga biktima ang mga salarin dahil maayos ang pagkakaparada ng sasakyan sa gilid ng highway.

Sa kasalukuyan ay iniimbestigahan pa ang motibo sa krimen at kung sino ang mga salarin. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here