Panahon na para magkaroon ng sariling ‘floating hospital’ ang Pilipinas, isang archipelagic nation – tulad ng ibang bansa.
Ang ideya ay inihain ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino sa isang pambansang kumbensyon ng mga nars na ginanap sa Maynila noong Sabado (Hulyo 13).
“That is my dream: for the Philippine Navy and Philippine Coast Guard to have a floating hospital, even if it’s a small one,” sabi ng senador sa mga reporter sa sidelines ng 49th annual convention ng Operating Room Nurses Association of the Philippines (ORNAP).
“The floating hospital can serve medical emergencies in the high seas, such as attending to sick or injured soldiers and fisherfolk, and as first responders to island communities and coastal areas hit by calamities,” idinagdag niya.
Binanggit ni Tolentino ang kaso ni Robert Mondeñedo, isa sa dalawang mangingisda na nasangkot sa ‘hit-and-run’ incident ng dayuhang commercial vessel at maliit na fishing boat sa West Philippine Sea (WPS) noong nakaraang linggo.
“Kinailangan pang tumagal ng ilang oras bago nadala si Robert sa isang medikal na pasilidad matapos siyang iligtas ng coast guard,” sabi ng senador.
Binanggit din niya ang kaso ng isang maysakit na sundalo na kinailangang ilikas sa BRP Sierra Madre, ang lumang barkong pandigma na nagsisilbing outpost ng Philippine Navy sa Ayungin Shoal.
“Kung mayroon lang tayong floating hospital, doon na sana nagamot ang ating sundalo. Hindi na kailangang lumikas at dalhin siya sa Palawan,” paliwanag ni Tolentino.
Ang floating hospital ay maaari din aniyang pakilusin para sa mga komunidad sa baybayin at isla sa panahon ng mga kalamidad tulad ng bagyo.
Naaalala ni Sen. Tolentino kung paano na ang mga sasakyang militar mula sa ibang mga bansa, kabilang ang hospital ships, ay kauna-unahang tumugon at naghatid ng tulong sa mga komunidad na sinalanta ng Bagyong Yolanda noong 2013. RNT