Home NATIONWIDE Mahabang pila, depektibong e-gates sa mga paliparan pinatatalupan ng solon

Mahabang pila, depektibong e-gates sa mga paliparan pinatatalupan ng solon

144
0

MANILA, Philippines- Isinusulong ni Sen. Raffy Tulfo ang bagong imbestigasyon sa mahahabang pila, depektibong e-gates, at iba pang mga problema sa mga paliparan sa buong bansa.

Sa paghahain ng Senate Resolution No. 1069, nilalayon ni Tulfo na silipin ang mga hamon sa domestic at international airports sa bansa. Ang Senate committee on public services, pinamumunuan niya, ang siyang mangunguna sa imbestigasyon.

“As reported, many passengers have to endure long lines at check-in counters due to inefficient passenger airlines kiosks which have no sticker papers for printing of baggage tags,”  pahayag ng senador sa resolusyong inihain nitong Lunes.

“There are complaints that passengers also have to endure long lines at immigration counters due to alleged lack of immigration personnel or counters and prolonged immigration screenings,”  dagdag ni Tulfo.

Binanggit ng senador ang “alarming reports” na madalas na palyado ang airport e-gate scanners para sa arriving passengers, dahilan upang pumila ang mga pasahero para sa manual processing na nagpapatagal sa oras sa counters.

Sa kabila nito, ang mga biyahero pa rin ang nagbabayad sa pagre-book ng kanilang tickets at tumatagal sa lobby ng mga paliparan, kahit na hindi nila kasalanan ang aberya, giit ng senador sa resolusyon.

Dagdag pa sa pahirap sa mga biyahero, base kay Tulfo, ang escalators, walkalators, carousels, at tubes na pasira-sira o non-operational.

Iginiit ni Tulfo na dapat malaman ng mga pasahero ang kanilang karapatan sa kaso ng missed flights dahil sa immigration lines at iba pang problema sa boarding.

Isinusulong din ng kanyang resolusyon na suriin ang operasyon ng Manila International Airport Authority (Miaa).

“There is a necessity to evaluate the current situation and operational procedures of the Manila International Airport Authority to identify potential areas for improvement and ensure that international aviation standards are complied with,” ani Tulfo. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here