Home NATIONWIDE SONA intel, security ops pinalakas ng PNP at AFP

SONA intel, security ops pinalakas ng PNP at AFP

98
0

MANILA, Philippines – UPANG matiyak ang peace and order pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang intelligence monitoring at security operations para matiyak ang kapayapaan at kaayusan para sa ikatlong State of Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Hulyo 22.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP public information office chief Col. Jean Fajardo na regular silang nakikipag-ugnayan sa iba pang law enforcement agencies para hadlangan ang posibleng banta sa seguridad laban sa administrasyong Marcos.

“Magkakaroon ng inter-agency meeting para ipakita at ipresenta ng inyong pambansang pulisya katuwang yung AFP (Armed Forces of the Philippines) and Philippine Coast Guard kung ano na po ba ang stages ng ating paghahanda. ng securities, ito na lang siguro sa mga darating na araw kung saka-sakali po na may maaprubuhan na permit to rallies,” ani Fajardo.

Gayunpaman, sinabi niya na hindi pa nasusubaybayan ang anumang seryosong banta na maaaring makagambala sa SONA.

Kaugnay nito hindi bababa sa 22,000 pulis ang magse-secure ng SONA, at 6,000 ang ide-deploy malapit sa Batasang Pambansa Complex kung saan ihahatid ni Pangulong Marcos ang kanyang address.

Magpapatupad ang Quezon City Police District ng gun at liquor ban sa lugar sa araw ng SONA.

Samantala, tumanggi si Fajardo na magkomento sa pahayag ni Bise Presidente Sara Duterte na laktawan niya ang SONA sa unang pagkakataon, dahil itinalaga niya ang kanyang sarili bilang “designated survivor.”

“Hayaan natin na siya mismo ang magpaliwanag siguro tanungin natin kung ano ba yung konteksto ng kanyang sinabi.” sabi ni Fajardo.

Ang Pangulo ay naghahatid ng SONA taun-taon, kadalasang ginagawa tuwing huling Lunes ng Hulyo, para iulat ang estado ng bansa, ibunyag ang agenda ng administrasyon, at hilingin sa Kongreso na ipasa ang mga priority measures. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here